DepEd, nag-abiso sa mga magulang na i-enroll na nila nag kanilang mga anak

Nagpaabot na ng abiso ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa mga magulang na kinakailangang maaga na nilang i-enroll ang kanilang mga anak at samantalahin ang maagang registration.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, magsasagawa ang kagawaran ng maagang registration para sa mga mag-aaral ng School Year 2021-2022 kung saan magsisimula ang early registration sa March 26 hanggang sa April 30, 2021.

Paliwanag ng kalihim, para masigurong na magbabalik-eskwela ang mga estudyante ay nakapagrehistro na para naman mabigyan ng mahabang panahon ang kagawaran na makapaghanda at gawin ang kauukulang hakbangin sa mga posibleng makikitang problema ng enrollment kaya’t gagawin umano nila ito ng isang buwang aktibidad.


Dagdag pa ni Briones na lahat umano ng mga magsisipasok na mga estudyante mula Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 sa mga pampublikong paaralan ay kinakailangan ng magpa-pre-register.

Giit pa ng kalihim na mandatory ang early registration sa mga pampublikong paaralan habang optional naman sa mga pribadong eskwelahan at ang mga Grade 2, 6, 8, 10 at 12 ay kinukonsidera naman nila ng naka-pre-registered na at hindi na kinakailangan pang makasama sa early registration.

Facebook Comments