DepEd, nag-anunsyo ng kanselasyon ng face-to-face classes sa April 15 at 16 sa public schools

Magpapatupad ang Department of Education (DepEd) ng asynchronous classes o distance learning sa April 15-16, 2024 sa lahat ng mga pampublikong paaralan.

Layon nito na magkaroon ng sapat na oras ang mga mag-aaral para kumpletuhin ang kanilang mga nakabinbin na assignments, projects at iba pang requirements.

Sa harap ito ng nalalapit na pagtatapos ng school year.


Sa ilalim ng direktiba ng DepEd, hindi obligadong mag-report sa mga paaralan ang teaching at non-teaching personnel ng lahat ng public schools.

Gayunman, tuloy ang pagdaraos sa April 15 at 16 ng mga aktibidad na inorganisa ng Regional at Schools Division Offices, tulad ng Regional Athletic Association Meets at iba pang division o school level programs.

Ayon sa DepEd, maaari ring magpatupad ng asynchronous classes o distance learning sa Lunes at Martes ang mga pribadong paaralan.

Facebook Comments