DepEd, nagbigay ng 3-month moratorium para sa Provident Fund Loans sa mga guro at personnel sa buong bansa

Aprubado na ng Department of Education o DepEd Provident Fund National Board of Trustee ang isang resolusyon na magbibigay ng tatlong buwan moratorium sa mga guro at personnel nito na may utang.

Ito ay kinumperma ni DepEd Secreatry Leonor Briones.

Ayon sa kanya, ito ay alinsunod sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act”, dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine sa Luzon bunsod ng paglala ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa bansa.


Nakapaloob din sa nasabing resolusyon na hindi papatawan ng interest at penalty ang tatlong buwang hindi mababayarang utang ng dahil sa moratorium.

Sinabi rin nito na ibabalik o ire-refund ang mga loan deduction sa mga guro at iba pang manggagawa ng DepEd na ikinaltas sa kanilang sahod ngayon buwan.

Pahayag ng kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na ang hakbang na ito ay bilang tulong sa mga guro at DepEd employees sa buong bansa na makuha ng buo ang kanilang sahod ngayong panahon ng krisis.

Iginiit ni Briones na ang nasabing resolusyon ay para sa lahat ng guro at mga manggagawa ng DepEd sa buong bansa.

Facebook Comments