DepEd, nagbabala sa mga political campaign sa darating na graduation at moving up ceremonies ng mga mag-aaral

Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga opisyal at kawani ng mga paaralan na bawal ang anumang uri ng political campaign sa nalalapit na graduation at moving-up ceremonies ng mga mag-aaral.

Sa Memorandum Order na nilagdaan ni Education Secretary Sonny Angara, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng propesyonalismo sa sektor ng edukasyon, lalo na papalapit ang 2025 National and Local Elections.

Nagpaalala rin ang DepEd na ang mga seremonya ay dapat maging simple ngunit makabuluhan.


Mahigpit ding ipinagbabawal ang pangongolekta ng bayad o kontribusyon mula sa mga mag-aaral at sa mga magulang.

Ang End-of-School-Year Rites para sa Kindergarten, Grade 6, Grade 10, Grade 12, at Alternative Learning System ay nakatakdang ganapin sa April 14 at 15.

Facebook Comments