DepEd, nagbabala sa publiko kaugnay ng mga luma at hindi awtorisadong learning materials na iniaalok sa email

Inalerto ng Department of Education (DepEd) ang publiko sa mga kumakalat na outdated at hindi awtorisadong learning materials sa mga email.

Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua, nakatanggap sila ng mga ulat ukol sa mga “chain emails” na naglalaman ng mga links sa mga learning materials na mula sa kanilang online platform na DepEd Commons.

Una nang ibinabala ng ahensya ang mga ilegal na online selling para sa mga libreng learning materials maging ang mga grupo at mga indibidwal na nagpapabayad sa mga libreng webinars.


Samantala, maglalabas naman ang DepEd ngayong linggo ng mga panuntunan kaugnay sa mga dapat na bilihing gadgets na gagamitin ng mga mag-aaral para sa ipatutupad na blended learning.

Paalala ng ahensya sa publiko, lalo na sa mga magulang na huwag munang bumili ng mga gadgets dahil may isang gadgets lamang na akma sa mga maaaring approach para sa blended learning.

Facebook Comments