Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa publiko na huwag magpapaloko sa mga humihingi ng cash donations para sa paggawa ng Self-Learning Modules (SLMs).
Sa pagdinig ng Senado, sa panukalang ₱606.5 billion budget ng DepEd, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na may ilang kawatan na ginagamit ang kaniyang pangalan para makahingi ng libu-libong halaga ng salapi.
Sa mga nagsasagawa ng lehitimong “bond paper campaigns” para sa produksyon ng SLMs, sinabi ni Briones na kailangan muna nilang alamin ang aktwal na pangangailangan sa lugar.
Importanteng malaman kung aling eskwelahan ang pagbibigyan at aling paaralan ang nangangailangan.
Sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na nakapag-download na ang ahensya ng ₱9 billion para sa production ng SLMs para sa unang dalawang kwarter ng nalalapit na School Year.
Dahil dito, plano ng DepEd na i-rationalize ang paggamit ng printed modules.
Sa ngayon, aabot na sa 24,633,586 students ang nakapag-enroll sa public at private schools para sa pagbubukas ng klase sa October 5, 2020.