DepEd, nagbanta sa mga eskwelahang babawiin ang kanilang permit-to-operate kapag walang anti-bullying policy

Posibleng bawiin ng Department of Education (DepEd) ang permit to operate ng mga eskwelahang walang anti-bullying policy.

Ayon kay Atty. Suzette Gannaban-Medina, chief administrative Officer ng DepEd Legal Service – kinikilala nila ang problema ng bullying sa mga public at private schools.

Sa public school, pwedeng isumbong ang insidente ng bullying sa Child Protection Committee ng paaralan.


Sa private school naman, dapat sundin ang anti-bullying policy.

Dapat rin aniya naaayon sa Child Protection Act of 2013 tulad ng pagtago sa pagkakakilanlan ng biktima at nambu-bully ng mga menor de edad, pagtulak sa counselling bilang pangunang tugon sa problema.

Sa panig ng PNP, sinabi ni Spokesperson, Police Colonel Bernard Banac – naka-alerto rin sila sa insidente ng bullying.

Babala ng PNP at DepEd, ang pambu-bully ay posibleng mauwi sa reklamong kriminal ang paglabag sa mga polisiyang naka-ayon sa Child Protection Act o sa mga probisyon ng cybercrime law.

Facebook Comments