DepEd, nagbigay ng paalala hinggil sa pagpapatupad ng alternative delivery learning modalities

Pinaaalahahan ng Department of Education (DepEd) ang pamunuan ng mga eskwelahan na tumulong para matiyak na makakapag-adjust ang mga estudyante at mga magulang sa pagpapatupad ng Distance Learning Delivery Modalities (DLDMs).

Batay sa Learner Enrollment Survey Form (LESF), aabot sa higit 9 milyong estudyante ang pinili ang modular distance learning.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, mayroong mga istratehiyang gagamitin para sa pagpapatupad ng distance learning.


Paglilinaw ni San Antonio, ang printed modular distance learning modality ay maaaring isagawa na hindi gumagamit ng ibang resources.

Una nang hinimok ng DepEd ang mga magulang na magbigay ng patnubay sa kanilang mga anak sa bagong learning set up.

Facebook Comments