DepEd, naghahanda na sa dry-run ng blended learning sa Agosto

Pinaghahandaan na ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng dry-run ng blended learning sa Agosto.

Nabatid na ang pormal na pagbubukas ng School Year 2020-2021 ay sa August 24.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, gagawin ang dry-run sa unang linggo ng Agosto.


Dahil ipinagbabawal ang face-to-face classes, sinabi ni Briones na nakahanda ang ahensya na pagsasagawa ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo sa mga estudyante.

Iginiit din ni Briones na ang distance learning at blended learning ay matagal nang isinasagawa sa bansa sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).

May ilang eskwelahan na aniya ang nagsagawa ng dry-run simulations ng blended o distance learning.

Ang resulta ng mga dry-run ay gagamiting basehan hinggil sa kahandaan ng mga eskwelahan sa distance learning sa unang araw ng pagbubukas ng klase.

Facebook Comments