DepEd, naglaan ng ₱1.35-B para sa kagamitan sa mga pampublikong paaralan kapag may kalamidad

Naglaan ang Department of Education (DepEd) ng ₱1.35 bilyon para sa pagpi-print, paghahatid, at pagsasanay kaugnay ng Learning Packets at Dynamic Learning Program (DLP) materials.

Layon nito na matiyak na handa ang mga paaralan at maiwasan ang pagkaantala ng pag-aaral tuwing may kalamidad.

Layunin din ng inisyatibong ito na mabigyan ang mga guro at mag-aaral ng mga kasangkapan upang maipagpatuloy ang pag-aaral kahit pansamantalang sarado ang mga paaralan dahil sa kalamidad.

Bawat Learning Packet ay naglalaman ng 25 hanggang 50 self-paced activities na dinisenyo upang paigtingin ang kakayahan sa pagbasa, matematika, at problem-solving.

Ang ilan sa mga materyales ay may kasamang enrichment activities para sa mas mataas na antas ng pagkatuto o paghubog ng life skills.

Hinihikayat din ng programa ang mas malapit na koordinasyon sa local government units upang matiyak na ang mga paaralang nasa high-risk areas ay agad na makapagpatupad ng alternative learning modes kapag suspendido ang in-person classes.

Facebook Comments