DepEd, naglabas na ng panuntunan sa pagbabayad ng overtime services sa mga guro

Inilatag na ni Education Secretary Sonny Angara ang policy o patakaran sa pagbabayad ng overtime services sa mga guro sa bansa.

Sa DepEd Order No. 26 s, 2025 o Guidelines on the Payment of Overtime Services of Teachers, tiniyak ni Sec. Angara na mababayaran ang overtime services ng mga guro kapag lampas na sa 6 oras na pagtuturo.

Nilinaw din sa pamantayan na ang overtime ay dapat may kaugnayan lamang sa pagtuturo sa loob ng paaralan.

Makakatanggap ng bayad ang mga guro ng 125% ng kanilang hourly rate para sa overtime sa regular na araw ng trabaho, at 150% naman kung magtatrabaho sila tuwing weekend, holiday, o special non-working day.

Sakop din ng polisiya ang lahat ng full-time teachers sa DepEd, kasama ang nasa Alternative Learning System (ALS), maging sila man ay permanent, substitute, o provisional.

Dapat aprubado rin ang overtime ng school head o authorized official, at gagawin lamang kung talagang kinakailangan.

Facebook Comments