DepEd, naglabas ng bagong school calendar para sa School Year 2020-2021

Nagpalabas na ang Department of Education (DepEd) ng bagong school calendar para sa School Year 2020-2021.

Ito’y kasunod na rin ng pagkaka-postpone sa unang araw ng pasukan na sana ay sa Agosto 24 pero iniurong sa Oktubre 5, 2020.

Sa bagong school calendar na inilabas ng DepEd ay magsisimula ang klase sa Oktubre 5, 2020 at magtatapos sa Hunyo 16, 2021.


Itinakda naman ng DepEd ang Christmas vacation sa Disyembre 20, 2020 hanggang sa Enero 3, 2021.

Ang pagbabago ng school calendar ay bunsod ng nararanasang pandemic sa bansa.

Gayunman, binigyan ng pahintulot ng DepEd ang mga pribadong paaralan at mga non-DepEd schools na magsimula ng klase ng mas maaga sa Oktubre 5, ngunit dapat tiyakin ng mga ito na nakapagsumite na sila ng mga kinakailangang dokumento sa ahensya, gayundin ng kanilang school calendar.

Hindi rin pinapayagan ang face-to-face classes.

Facebook Comments