Naglabas ang Department of Education (DepEd) para sa rationalization ng workload at sweldo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Kabilang sa napakaloob dito ang walong oras na serbisyo ng mga guro kada araw kung saan ang anim na oras dito ay dapat ilaan sa pagtuturo sa loob ng silid-paaralan.
Ang dalawang oras naman na bahagi ng kanilang duty ay maaari nilang gawin sa labas ng eskwelahan.
Kapag lumagpas naman sa anim na oras ang duty ng isang guro sa loob ng classroom, siya ay dapat magkaroon ng dagdag na bayad basta’t hindi dapat lumagpas sa dalawang oras.
Samantala, bilang sagot sa mga panawagang ibalik sa April hanggang May ang school break, nagsumite na ang DepEd ng sulat sa Office of the President hinggil dito.
Facebook Comments