Nag-isyu ang Department of Education (DepEd) ng guidelines sa evaluation ng Self-Learning Modules (SLMs) partikular ang mga gagamitin ng mga estudyante sa mga susunod na grading periods.
Layunin nitong matiyak na dekalidad na modules ang gagamitin sa modular distance learning modality.
Sa DepEd Order 001 series of 2021 na pinirmahan ni Education Secretary Leonor Briones, magkakaroong ng sistematikong ebalwasyon sa procurement ng SLMs para sa ikatlo at ikaapat na kwarter ng School Year 2020-2021.
Ang mga learning resources na ginagamit sa mga eskwelahan ay sumasalamin sa uri ng edukasyong ini-aalok.
Makatutulong din ito sa mga guro para gabayan ang kanilang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Sa evaluation, susuriin ang content, language, layout at design ng SLMs.