Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na naglatag na sila ng competency-based merit selection plan upang palakasin ang recruitment process at dadagdagan ang mga dekalidad na mga personnel.
Base sa inilabas na Department Order No. 019, s. 2022, kung saan magsisilbing pamantayan sa pagpili at pagkuha, pagtatalaga at promosyon sa bawat indibidwal na nagtuturo, school administration, may kaugnayan sa pagtuturo at non-teaching positions sa lahat ng DepEd offices at paaralan ang prinsipyo ng merito, fitness, competence, accountability, transparency at equal opportunity.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones na matitiyak na sa naturang polisiya na makakuha ng tamang empleyado sa kagawaran ang pagpapalabas ng merit selection plan ay isa sa maraming namamagitan departmento upang ma-improve ang human resource policies at proseso upang magkaroon ng mas mabuting pagsisilbi sa mga mag-aaral at stakeholders.
Paliwanag pa ng kalihim na ang naturang polisiya ay alinsunod sa konteksto panloob na sistema sa application, evaluation, selection, at appointment alinsunod na rin sa probisyon ng Civil Service Commission Omnibus Rules on Appointments at iba pang human resource actions ng kagawaran.
Layon ng DepEd merit selection plan upang matiyak na ang organisasyon at mga kawani ay kayang makatugon sa hamon at oportunidad sa 21st century na nakatuon sa pagde-deliver ng quality, accessible, relevant at liberating basic education.