DepEd, naglatag na ng 5-Point Agenda bilang tugon sa mga hamon sa sektor ng edukasyon

Inilatag na ng Department of Education o DepEd ang kanilang 5-Point Agenda para matugunan ang mga suliranin sa basic education.

Ayon sa DepEd, sa ilalim ng 5-Point Agenda, matitiyak ang:

– maayos na learning environment
– maayos na kalagayan ng mga guro
– maayos na learning delivery
– ang pagtiyak sa future-ready workforce


Tinukoy din ng DepEd ang learning losses na nakita sa mababang test performance tulad ng Programme for International Student Assessment o PISA at iba pang academic metrics kung saan lumalabas sa datos na 9 sa 10 bata ang hindi makabasa o makaintindi ng simpleng teksto.

Tututukan din ng DepEd ang kakulangan sa mga silid-aralan, mga problema sa procurement at ang mga polisiya sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments