DepEd, nagpaabot ng pakikiramay sa guro na nalunod sa Camarines Sur

Ikinalungkot ng pamunuan Department of Education (DepEd) ang pagkamatay ng isang guro matapos malunod sa baha sa Camarines Sur noong Martes.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, nagpaabot na sila ng pakikiramay sa pamilya ng guro na si Romeo Sison Jr., ng San Roque High School sa bayan ng Libmanan.

Sadyang nakalulungkot umano ang pangyayari dahil kinailangang magbuwis ng buhay ni Sison para lamang maihatid ang edukasyon sa kaniyang mga estudyante.


Kasama ng biktima ang co-teacher nito na si Gemmo Intia ng tinawid ang baha sa kasagsagan ng Bagyong Florita sakay ng kanilang bisekleta.

Dahil umano sa lakas ng agos ay hindi nakayanan ng biktima hanggang sa tangayin siya nito na tuluyan niyang ikinalunod.

Sabi naman ng School Division Superintendent ng Camarines Sur, on leave ang guro na si Sison ng mangyari ang insidente.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang DepEd sa pamilyan ni Sison at tinitingnan na rin nila ang tulong na maaaring ibigay sa naulilang pamilya.

Facebook Comments