MANILA, PHILIPPINES – Nagpaalala ang Department of Education na hindi dapat gawing mandatory ang mga educational tour at field trips.
Ayon kay DEPED Planning and Field Operations Usec. Jesus Mateo – hindi dapat pilitin ang mga estudyante na sumama sa ganitong aktibidad.
Hindi rin aniya ito dapat gawing basehan sa pagbibigay ng grado.
Dagdag pa ni Mateo, tungkulin ng paaralan na ipaalam sa mga magulang ang anumang aktibidad ng eskwelahan sa pamamagitan ng isang Parent-Teacher Conference at hindi lamang basta sa pagbibigay ng sulat.
Samantala, bagama’t dismayado sa nangyaring bus tragedy sa Tanay, Rizal – wala umanong plano ang DEPED na magpatupad ng moratorium para sa mga field trips na siyang inilabas na direktiba ngayon ng Commission On Higher Education o CHED.