Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga school official lalo na sa teaching at non-teaching personnel na magkaroon ng flexible work arrangement sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, ang DepEd offices at mga eskwelahan o Community Learning Centers na nasa ilalim ng MECQ ay kailangang mayroong ‘minimal skeleton workforce.’
Dagdag pa ni Mateo, ang mga nasabing eskwelahan ay magbibigay lamang ng “essential services” habang ang iba sa mga tauhan nito ay nasa work-from-home arrangement.
Dapat ikunsidera ang health at safety conditions at transportation arrangements para sa mga personnel na magiging bahagi ng skeleton workforce.
Pinatitiyak ni Mateo sa mga pamunuan ng mga eskwelahan na ang lugar na pinagtatrabahuan ay naaayon sa safety at health precautions.
Mahalagang nasusunod ang precautionary measures para maiwasan ang transmission ng COVID-19.