DepEd, nagpaalala sa mga eskwelahan na gawing simple ang pagdaraos ng graduation at moving up ceremonies

Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan na gawing simple ang pagdaraos ng graduation at moving up ceremonies.

Nagpaalala rin ang DepEd sa mga pampublikong eskwelahan na i-angkop sa panahon ang oras at venue ng mga aktibidad sa harap ng matinding init ng panahon.

Ayon kay Education Assistant Secretary Francis Cesar Bringas, sa umaga maaaring simulan ang seremonya ng alas-sais ng umaga hanggang alas-dies.


Sa hapon naman ay maaari aniya itong simulan ng alas-tres y medya ng hapon hanggang alas-sais ng gabi.

Ipinagbabawal din ang solicitation at paghingi ng kontribusyon sa mga magulang at estudyante.

Nilinaw ng DepEd na may nakalaan naman kasing budget ang pamahalaan para dito.

Facebook Comments