DEPED, nagpaalala sa mga magulang na hindi nila kailangang gampanan ang pagiging guro sa kanilang mga anak

Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang at guardians na hindi nila kailangang akuin ang tungkulin bilang guro ng kanilang mga anak kasabay ng pagpatutupad ng distance learning ngayong school year.

Ito ang inilabas na pahayag ng kagawaran sa gitna ng pangamba ng ilang magulang at guardians hinggil sa kanilang mental health at psychosocial well-being lalo na at inaasahang tututukan nila ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa loob ng kanilang bahay.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, hindi dapat ma-pressure ang mga magulang.


Malinaw na ang trabaho ng mga magulang ay i-motivate ang kanilang mga anak at bigyan sila ng learning space.

Mahalaga magbigay sila ng feedback sa mga guro sa halip na gawin o saluhin ang trabaho ng mga guro.

Bago ang pormal na pagsisimula ng klase sa October 5, nagpapaalala na ang DepEd sa mga magulang na magkakaroon ng adjustment process.

Facebook Comments