Ipinaliwanag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) kung bakit napapatawan pa rin ang mga guro ng interes sa kanilang mga loan mula sa mga Private Lending Institutions (PLIs) na akreditado ng kagawaran.
Ayon DepEd Assistant Secretary for Finance Ramon Abcede, ang interes na nakukuha ngayon ng mga guro ay ang tinatawag na ‘accrued interest’.
Ibig sabihin nito, ito ang mga interes na nakapaloob sa monthly amortization.
Aniya, ang monthly amortization ay ang kabuuang halaga na babayaran ng halagang inutang at interes.
Kung hindi aniya makapagbayad ang isang guro sa kanayang monthly amortization, doon ma-a-apply ang tinatawag na accrued interest.
Paliwanag niya, ang accrued interest ay hindi nakasaad sa IRR ng Republic Act 11469 o Bayanihan Act na kasama itong tatanggalin, dahil maaalis lang ito kung i-wave ng pinagutangan.
Nakasaad lang aniya rito na tanging ang interes lang mula sa monthly amortization ang ipinag-utos na tanggalin habang ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).