DepEd, nagpatupad ng adjustments sa kasalukuyang school calendar

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na mayroong pagbabago sa school calendar ng School Year (SY) 2020-2021.

Pinirmahan ni Education Secretary Leonor Briones ang DepEd Order No. 012, series of 2021, nakasaad dito ang mga adjustments sa kasalukuyang school year.

Ayon sa DepEd, pinapayagan ang mga eskwelahan na magpatupad ng ‘intensive intervention’ at remediation activities para sa mga mag-aaral at mabigyan ang mga guro ng panahon para sa iba’t ibang learning delivery modalities.


March 1 hanggang 12 gagawin ang intervention at remediation activities.

Sa March 15 hanggang 19 naman isasagawa ang In-Service Training para sa mga guro.

Ang school break ng mga estudyante ay itinakda sa March 15 hanggang 19.

Ang 3rd Quarter period ay magsisimula naman mula March 22 hanggang May 15, 2021 habang ang 4th Quarter period ay mula May 17 hanggang July 10, 2021.

Ang polisiyang ito ay ipatutupad sa lahat ng public elementary at secondary schools sa buong bansa.

Ang mga pribadong eskwelahan, technical at vocational institutions at higher education institution – kabilang ang state and local universities and colleges na nag-a-alok ng K-to-12 Basic Education Program ay hinihikayat ng DepEd na ipatupad ang nasabing guidelines.

Facebook Comments