DepEd, nagsagawa ng pre-employment webinar para sa magtatapos na mag-aaral at guro

Inihayag ni Secretary Leonor Briones ng Department of Education (DepEd) na nagsagawa ang kanilang ahensya ng pre-employment training sa buong bansa.

Ayon kay Briones ang nasabing aktibidad ay tinawag nilang “Building an Impactful Resume and Professional Brand” na dinaluhan ng mga pampubliko guro at grade 12 students.

Layunin aniya nito na maihanda ang mga mag-aaral sa paghahanap ng trabaho sa susunod na panahon.


Ito rin aniya ang tugon ng DepEd upang maihanda ang mga mag-aaral ng bansa na pwedeng maging guro sa susunod na panahon, laban sa hamon at oportunidad dahil sa mabilis na pagbabago ng mundo.

Nais din aniya matiyak na ang mga mag-aaral sa bansa ay magiging globally competitive kung sakaling piliin nilang magtrabaho pag makapagtapos na sila ng basic education.

Umabot ng 143,950 ang kabuuang dumalo sa nasabing programa na mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mula sa nasabing bilang 13,759 participants nito ay mula sa Region 7; 13,754 mula Region 6; at 13,494 mula sa Region 3.

Facebook Comments