DepEd, nagsagawa ng relief operations at psychosocial intervention para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa mga probinsya

Tinitiyak ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na agad na makararating ang mga donasyon kanilang ipamamahagi makaraang magsagawa ng relief operations at psychosocial interventions ang kagawaran sa mga biktima ng nakaraang Bagyong Odette na tumama sa mga paaralan sa iba’t-ibang probinsiya.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ipinakalat na nila ang kanilang mga tauhan upang magproseso at maghatid ng mga donasyon kung saan tinitiyak nila sa kanilang mga stakeholder na agad makararating ang pondong ibinahagi sa mga apektadong rehiyon sa lalung madaling panahon.

Paliwanag ng kalihim upang malaman ang data ng mga pinsala ng imprasktura at hindi imprastraktura sa mga region, divisions at mga paaralan ang kagawaran sa pamamagitan umano ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), ay binuhay ang Rapid Assessment of Damages Report o RADaR na tinatayang nasa ₱3.6 million para sa paglilinis at mga minor repair at naglaan ang DepEd ng ₱10.2 million support funds para sa response intervention para sa mga apektadong rehiyon.


Dagdag pa ni Briones na ang support funds ay magagamit para pambili sa mga hygiene kit, provision of psychological first aid at emergency school feeding programs sa mga mag-aaral at guro.

Facebook Comments