DepEd, nagsimula nang tumanggap ng application para sa senior HS voucher program

Nagsimula nang tumanggap ang Department of Education (DepEd) ng applications para sa senior high school program para sa school year 2019-2020.

Sa Twitter post, ipinaalala ng DepEd ang mga aplikante sa listahan ng mga requirement na kailangan nilang ipasa.

  1. Kumpletuhin ang voucher application form o VAF-1
  2. 2×2 colored ID photo
  3. Proof of financial means ng magulang o guardian
  4. Pirmadong parent consent form para sa mga aplikanteng wala pa sa 18-anyos sa oras na ipasa ang application form
  5. Certificate of Financial Assistance (na inisyu ng school)

Ayon sa DepEd, ang voucher program ay financial assistance para sa mga kwalipikadong estudyanteng nagtapos sa grade 10 na ituloy ang kanilang senior high school education sa mga pribadong paaralan, state o local universities and colleges.

Ang lahat ng grade 10 completers sa private schools na wala sa education service contracting (ESC) pero nais mag-avail ng voucher subsidy para makapag-enroll sa non-DepEd senior high school ay may hanggang May 31 para makapag-manual apply at June 2 naman kapag mag-a-apply online.

Facebook Comments