DepEd, nais maging “work-ready” ang mga SHS students

Seryoso ang Department of Education (DepEd) sa layunin nitong gawing “work-ready” ang lahat ng graduates ng Senior High School (SHS).

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nagsasagawa na sila ng upskilling activities para sa work at professional development sa mga SHS students.

Sinabi naman ni Education Undersecretary for Administration Alain del Pascua, nangako ang kagawaran na lalagda sa isang partnership sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) para hikayatin ang mga industriya na bigyan ang mga mag-aaral ng work experience at posibleng employment opportunities.


Inaasahan ding palalawakin ang SHS Internship and Immersion program at ililinya ang curriculum guide sa kasalukuyang sitwasyon at regional direction.

Facebook Comments