DepEd, nakapag-hire na ng 1,400 displaced private school teachers bilang learning support aides

Aabot sa 1,421 displaced teachers mula sa pribadong eskwelahan ang tinanggap ng Department of Education (DepEd) bilang Learning Support Aides (LSAs) ngayong school year.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, sinimulan na nilang mag-hire ng para-teachers para suportahan ang mga guro, estudyante at mga magulang sa ilalim ng distance learning set-up.

Dagdag pa ni Briones, humiling na sila sa Department of Budget and Management (DBM) na payagan silang tumanggap ng LSA.


Sinabi naman ni Education Undersecretary for Planning and Bureau of Human Resources and Organizatonal Development Jesus Mateo na kasalukuyang may higit 3,200 LSAs ang na-hire sa limang rehiyon sa bansa.

Tutulong ang mga LSA kapag walang matandang tutulong sa mga estudyante sa kanilang bahay, ang mga estudyanteng hindi kaya ang independent learning, ang mga learners with special needs, at sa mga estudyanteng may magulang na nagtatrabaho.

Paglilinaw ng DepEd na ang mga LSAs ay hindi papalitan o dodoble sa function ng mga guro na mananatiling main facilitators ng pagtuturo sa mga pampublikong eskwelahan.

Facebook Comments