Umabot na sa 9.6 million ang gumagamit ng online learning platform ng Department of Education (DepEd).
Ang DepEd Commons ay inilunsad noong March 17, 2020 – kasabay ng pagpapatupad ng distance learning modalities.
Ayon kay Education Undersecretary for Administration Alain Del Pascua, nang inilunsad nila ang DepEd Commons ay dumami na ang gumagamit nito, sa tulong na rin ng Bayanihan Spirit.
Aminado si Pascua na hindi naging madali ang pagpapatupad nito lalo na at kailangang turuan ang mga guro sa paggamit ng open educational resources.
Bukod sa public schools, gumagamit din ng DepEd commons ang mga Alternative Learning Systems (ALS), Special Education (SPED) at mga pribadong paaralan sa buong bansa.
Patunay lamang nito na ang DepEd Commons ang paraaan para maipagpatuloy ang edukasyon sa ilalim ng new normal.