
Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na umaabot na sa P100 million ang narekober nila mula sa private schools na nasangkot sa sinasabing anomalya sa Senior High School Voucher Program.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, patuloy ang kanilang imbestigasyon at pag-aaral kung paano mapapalakas ang sistema para matiyak na hindi na mauulit ang katiwalian.
Una nang naghain ang DepEd ng civil at criminal cases laban sa mga sangkot sa refunds.
Nitong Marso, 12 paaralan ang patuloy na iniimbestigahan ng DepEd para sa SY. 2023-2024.
Habang tatlong paaralan ang na-flag ng Government Assistance and Subsidies Service.
Nagsumite na rin ang Education Department sa NBI ng kanilang report ng imbestigasyon para sa parallel probe.
Facebook Comments









