DepEd, nakatanggap ng 16,000 na concerns sa unang araw ng pagbubukas ng klase

Umabot sa 16,000 concerns o katanungan ang natanggap ng Department of Education (DepEd) sa unang araw ng pagbubukas ng klase.

Ayon kay Education Undersecretary Jess Mateo, karamihan sa mga naging concern ng mga magulang ay ang learning continuity plan at enrollment, kasama na ang proseso at credentials ng mga estudyanteng lumipat mula pribado patungong pampublikong paaralan.

Aniya, sa 16,000 concerns na natanggap ng kagawaran, 90% agad nila itong na-resolba.


Kabilang din sa mga naging concern ay ang pagkakaiba ng learning modalities gaya ng pagkuha ng printed modules, mga programa sa broadcast media at ang tagal ng study sessions.

Dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, nagdesisyon ang DepEd na buksan ang klase sa pamamagitan ng blended learning kung saan wala munang magaganap na face-to-face classes para maiwasang mahawaan ng virus.

Facebook Comments