DepEd, nakatuon sa Digital Rise Program upang matugunan ang malaking hamon sa kalidad ng edukasyon sa bansa

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na nakatutok ang kagawaran sa Digital Rise Program upang matugunan ang malaking hamon sa digital learning at education technology, kung saan natuto na sila sa nakaraang pandemya at handang yakapin ang flexible at technology sa pamamagitan ng Information and Communications Technology Service (ICTS).

Ayon sa ulat na ipresenta ni ICTS Director Abram Abanil, ang Digital Rise Program ay mayroong tatlong major components., una ang digital literacy, kung saan ang K to 12 curriculum ay makabago kabilang ang productivity tools gaya ng word processing, spreadsheets, at presentasyon para sa Grade 4 hanggang Grade 6.

Paliwanag ni Briones na ang mga mag-aaral ng Grade 7 ay mayroong basic programming skills subject habang ang Grade 8 hanggang 10 ay mayroon namang konseptong multimedia kung saan ang subject ay nakatuon sa video editing at graphic design samantalang ang vocational skills gaya ng computer servicing, technical drafting at broadband installation ay nakaatang naman sa Senior High School students.


Dagdag pa ng kalihim na sa pamamagitan ng ikalawang component, ang ICT na inasistihan ng pagtuturo kung saan layon ng kagawaran na mabigyan ang mga guro ng kagamitan, sangkap ng software at skills para sa pagtururo sa silid-aralan na magbibigay ng laptops, smart TVs, at lapel speakers sa bawat teacher at classroom.

Binigyang diin pa ni Briones na magbibigay ang kagawaran ng mga laptop at tablets sa mga mag-aaral at guro na magpatutuloy sa public education network sa pamamagitan ng DepEd Computerization Program at katuwang ng Microsoft at Google upang tuloy-tuloy na makapagkaloob ng software sa stakeholders.

Facebook Comments