Suportado ng Department of Education (DepEd) ang Climate Change Commission na palakasin ang climate literacy at suportahan ang pagtugon sa pabago-bago ng klima sa pamamagitan ng basic education curriculum upang turuan ang mga mag-aaral at personnel na may kaalaman sa klima.
Sa bisa ng Republic Act (RA) No. 9729 o Climate Change Act, ang DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service ay pinapahalagahan ang climate education sa pamamagitan ng iba’t ibang programa, proyekto, at aktibidades na naaayon sa bagong K-12 curriculum.
Ayon sa DepEd, ang konsepto ng climate change ay nakapaloob na sa K-12 curriculum sa mga sumusunod na asignatura, kabilang ang
– Science
– Health
– Araling Panlipunan
– Edukasyon sa Pagpapakatao
– Mathematics
– English at Filipino
– Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan and Technology and Livelihood Economics,
– at Music, Arts, at PE
Habang ang konsepto naman ng climate change ay pinagsama na sa K-12 curriculum, kung saan mayroong kailangang palakasin sa kasalukuyang curriculum upang makapantay sa paghahatid ng kaalaman.
Matatandaan na ang kagawaran ay nakatutok upang pag-aralan ang kaalaman na may kaugnayan sa Climate Change Education (CCE) at makipag-ugnayan sa iba’t ibang tanggapan at eksperto na kailangang maiangat ang kamalayan na naaayon sa multi-disciplinary climate change education.