DepEd, nakipag-ugnayan na sa grupo ng mga abogado tungkol sa pagkakautang ng mga guro

Kumakausap na ang Department of Education (DepEd) ng grupo ng mga abogado na makatutulong sa mga guro ukol sa loan obligations o pagkakautang.

Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, isinusulong nila na mabigyan ng libreng legal assistance ang mga teacher bago lumagda sa kontrata para makautang.

Iginiit ni VP Sara na mahalagang maunawaan ng mga guro ang nilalaman ng pipirmahang dokumento at maipaliwanag nang malinaw ng isang abogado sakaling maging “in default” sa pagbabayad ng loan obligations.


Paliwanag pa ni VP Sara na naghahanap na sila ng partners upang maisakatuparan sa buong bansa ang libreng konsultasyon.

Isa ang free legal advice sa mga binanggit ng pangalawang pangulo sa kanyang Basic Education Report 2023 bilang tugon sa pangangailangan at para sa kapakanan ng teaching at non-teaching staff.

Facebook Comments