Manila, Philippines – Hinihikayat ng Department of Education ang publiko na makiisa sa Brigada Eskwela sa Marawi
Ito ay makaraang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi matapos ang mahigit 4 na bwan na pakikipagbakbakan ng tropa ng pamahalaan sa Maute-ISIS terror group.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones sa oras na payagan na sila ng militar na pumasok sa Marawi ay agad silang magsasagawa ng Brigada Eswkela.
Ang Brigada Eskwela ay ang pagtutulung tulungan upang maisaayos muli ang mga paaralan para sa pagbubukas ng klase sa Marawi.
Sa datos ng DepEd sa kabuuang 69 schools sa Marawi, 20 dito ang “completely & totally devastated”.
Kung kaya’t kinakailangan aniya na kumpunihin at ayusin ang mga maaari pang mapakinabangang mga eskwelahan.
Una nang sinabi ng DepEd na kinakailangan nila ng P2.3 billion para sa repair ng mga local schools sa Marawi.
Sa ngayon mayroong 27,000 displaced Marawi children sa buong bansa.