DepEd, nanawagan sa mga magulang, komunidad at maging pribadong kumpanya na tumulong sa taunang brigada eskwela

Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang, komunidad at maging pribadong kumpanya na tumulong sa taunang brigada eskwela na magsisimula sa Mayo 15.

Kasabay nito, umapela si Assistant Secretary Tonisito Umali para sa pagtatayo ng mga silid-aralan na may tibay mula sa bagyo at iba pang sakuna.

Panahon na aniya upang baguhin ang technical specification ng mga itinatayong classroom na nagsisilbi ring evacuation center sa oras ng kalimidad.


Bukod sa Brigada Eskwela, ilalarga na rin ng ahensya ang Brigada Eskwela plus na naglalayong magkaroon ng bayanihan sa paglilinis at pagkukumpuni ng mga paaralan hindi lamang tuwing pasukan kundi sa buong taon.

DZXL558

Facebook Comments