DepEd, nangangailangan ng 10K bagong teachers at 5K non-teaching staff

Manila, Philippines – Plano ngayon ng Department of Education (DepEd) na kumuha ng 10,000 public school teachers at 5,000 non-teaching personnel alinsunod sa panukalang 2020 budget.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang naturang hakbang ng DepEd ay bahagi ng kanilang  commitment  upang ma-improve ang  teacher-to-student ratio, kalidad na edukasyon at mabawasan na rin  ang workload ng bawat personnel sa mga dumaraming pumapasok sa pampublikong  paaralan sa buong bansa.

Paliwanag ng kalihim maliban sa kanilang 10-point agenda, nais nilang maging totoo sa kanilang ipinangako sa publiko na magkaroon ng isang kalidad na edukasyon.


Giit ni Briones naglaan ang kagawaran ng P1.28 billion para sa pagkuha ng 5,000 bagong  non-teaching positions at P1.27 billion naman para sa hiring ng  10,000 teachers sa susunod na taon kung saan ang mga bagong kukuning guro ay itatalaga sa iba’t ibang  field offices at schools.

Facebook Comments