Deped, nangangailangan ng mahigit 1 bilyong pisong pondo para sa mga silid-aralan sa Mindanao

Nangangailangan ngayon ng 1.6 na bilyong pisong pondo ang Department of Education (Deped) para sa pag-papatayo ng mga bagong silid aralan kapalit ng mga napinsala ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.

Ayon kay Deped Spokesperson Usec. Nepomuceno malaluan, aabot sa 500 silid aralan ang nawasak ng 3 malalakas na lindol habang nasa 700 naman ang nag-tamo ng matinding pinsala.

Paliwanag ni malaluan na posibleng lumaki pa aniya ang kinakailangan nilang pondo dahil sa nag-papatuloy pa rin ang damage assessment sa mga lalawigan ng North Cotabato, Davao del Sur at mga karatig probinsiya.


Batay sa pagtaya ng Deped, aabutin ng mahigit 1 taon bago maitayong muli ang mga replacement school buildings sa mga apektadong lugar ng lindol na nagkakahalaga ng 2.5 bilyong piso bawat isa.

Dagdag pa ni malaluan, nakikipag-ugnayan na sila sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa ilalim ng Office of the President para sa hirit na karagdagang pondo.

Facebook Comments