DepEd, nangangailangan ng P3.6 billion para sa pagsasa-ayos ng higit 1,000 paaralang sinira ng Bagyong Rolly

Nangangailangan ang Department of Education (DepEd) ng ₱3.6 billion para sa muling pagtatayo at rehabilitasyon ng higit 1,000 eskwelahang napinsala ng Bagyong Rolly.

Batay sa report ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), nasa 1,033 eskwelahan ang napinsala sa 41 dibisyon sa National Capital Region, Cordillera Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Eastern Visayas.

Nasa 1,063 ang totally damaged classrooms, 1,911 ang major partially damaged at 3,701 minor partially damaged.


Ang halaga ng reconstruction at rehabilitation ng mga nasirang eskwelahan ay nasa ₱3.613 billion.

Nakapagtala rin ang DepEd ng non-infrastructure damage sa 26 na dibisyon sa walong rehiyon.

Facebook Comments