DepEd, nanindigan sa kanilang face-to-face classes policy sa kabila ng pagpasok ng XBB at XBC subvariant sa bansa

Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na mananatili ang kanilang polisiya hinggil sa pagpapatupad ng face-to-face classes, sa kabila ng naitalang XBB at XBC Omicron subvariant sa bansa.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, sa ngayon aniya ay wala silang ginawang pagbabago sa Department Order (DO) No. 4 na inilabas noong Lunes.

Wala rin aniyang rekomendasyon mula sa Department of Health (DOH) na baguhin ang inilabas nilang DO 44.


Matatandaang noong Lunes ay pinayagan na ng DepEd ang mga pribadong paaralan na magpatuloy sa blended learning option para sa kabuuan ng School Year 2022-2023, habang obligado pa ring magbalik sa full implementation ng in-person classes sa Nobyembre ang mga nasa pampublikong paaralan.

Samantala, inihayag naman ng DOH na patuloy pa rin ang suporta nila sa pagpapatupad ng face-to-face classes sa kabila ng pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 at pagkakatuklas ng XBB subvariant at XBC variant sa bansa.

Facebook Comments