DepEd, nanindigang hindi magpapatupad ng academic freeze

Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na hindi ito magpapatupad ng academic freeze sa darating na pasukan.

Kasunod ito ng panawagan ng ilang grupo na ipahinto muna ang pagsasagawa ng klase dahil sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Ayon kay DepEd Usec. Diosdado San Antonio, hindi pwedeng maantala ang pag-aaral ng mga bata dahil mahuhuli sila sa aralin.


Sa datos ng DepEd, 80% nang handa ang kagawaran sa pagbubukas ng klase sa October 5.

Aabot naman sa 24 na milyong estudyante ang nakapagpa-enroll na sa mga paaralan sa buong bansa.

Facebook Comments