DepEd, nanindigang si Pangulong Duterte ang magpapasya kung ipapatupad ang face-to-face classes

Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon kung isasagawa na ang limited at controlled face-to-face classes sa mga lugar na may low risk classification.

Ito ang pahayag ng kagawaran kasunod ng unti-unting pagluluwag ng community quarantine restrictions sa maraming lugar sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang pagsasagawa ng in-person classes ay kailangang mapagpasyahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), Local Government Units (LGUs), at mismo ang Pangulo.


Aniya, si Pangulong Duterte ang naglabas ng direktiba na walang isasagawang face-to-face classes.

Sinabi naman ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, patuloy na mino-monitor ng ahensya ang developments matapos buksan ang School Year (SY) 2020-2021.

Batay sa national enrollment data ng DepEd, aabot sa 25.01 million ang enrollees sa kasalukuyang School Year.

Facebook Comments