Inihayag ng Department of Education (DepEd) na nasa 98.83% na ang kanilang naprint na mga Self Learning Module (SLM) at handa na itong ipamahagi sa mga School division sa buong bansa.
Batay sa datos ng DepEd, sa mahigit 739 milyon na mga printed learning material, mahigit 730 milyon nito ay ready na para sa distribution.
Ang SLM ay gagamitin ng mga pampublikong paaralan sa bansa para sa distance learning na ipatutupad ngayon School Year 2020-2021.
Tiniyak naman ni DepEd Secretary Leonor Briones na matatapos ang pagprint ng SLM at maipamamahagi ito bago mag Octrober 5, 2020 kung saan nakatakda ang pagbubukas ng klase ngayong taon.
Samantala, batay sa national enrollment data ng DepEd ngayong araw, nasa mahigit 24.456 milyong estudyante na ang nagpa-enroll para sa School Year 2020-2021 kung saan katumbas nito ang 88.06% mula sa kabuuang bilang ng enrollees noong 2019.