DepEd, nilinaw ang kumakalat na larawan ng umano’y module na humihingi ng panayam mula sa Spanish era

Nilinaw ngayon ng Department of Education (DepEd) sa mga kumakalat na imahe na dapat sana’y DepEd module na humihingi umano ng panayam mula sa Spanish era.

Ayon sa DepEd, makaraan umanong maberipika ng DepEd Error Watch, natuklasan na ang material sa naturang tanong ay hindi nagmula sa kalidad na tiniyak ng Kagawaran o alinman mang opisina ng DepEd.

Paliwanag ng DepEd, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa naturang pangyayari at patuloy na nakikipag-ugnayan sa lahat ng concerned offices para matukoy ang pinagmulan ng nasabing module.


Pinaalalahanan din ng DepEd ang publiko na maging vigilant tungkol sa kumakalat na fake news at iba pang hindi berepikadong impormasyon na kumakalat sa online.

Dagdag pa ng DepEd na nanawagan sila sa mga magulang at iba pang stakeholders na agad na iparating direkta sa kanilang paaralan o sa pamamagitan ng DepEd Error Watch tungkol sa learning modules upang agad na mabigyan na kaukulang aksyon at tugon sa kahalintulad na kaso sa lalong madaling panahon.

Maaari silang makipag-ugnayan at magpadala ng mensahe sa e-mail na errorwatch@deped.gov.ph o kaya mag-text at Viber sa 0961-680-5334.

Facebook Comments