Nilinaw ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na 10 lang at hindi 11 ang nagpositibo na guro sa COVID-19 sa Region II.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, magsasagawa rin sila ng imbestigasyon kung saan nila nakuha ang virus.
Kaya naman aniya, hindi pa ngayon masasabi kung work related ba o ng dahil sa pamimigay ng mga learning material sa mga estudyante ang dahilan kung bakit sila na-infect ng nasabing sakit.
Sinabi pa niya na nasa kautusan ng DepEd Region II na kailangan ihatid lang ang learning materials sa mga Barangay Hall at ang mga kawani na ng barangay ang maghahatid nito sa tahanan ng mga estudyante.
Kinumpira naman niya na ang 10 guro na nagpositibo sa COVID-19 ay mula sa iisang pampublikong paaralan lamang.
Tiniyak naman niya na nagpapagaling na ang mga nasabing guro sa mga local quarantine facilities ng rehiyon.