DepEd, nilinaw na hindi “first come, first serve” ang enrollment para sa public school

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na ang isinasagawang enrollment sa mga pampublikong paaralan ay hindi “first come, first serve” basis.

Nabatid na sinimulan na kahapon ang isang buwang enrollment period para sa school year 2020-2021.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, hindi kailangang magmadali ang mga magulang na magpunta sa mga eskwelahan kung hindi nila kayang mag-enroll online.


Sinabi ni Malaluan na maglalabas sila ng advisory para sa mga estudyante na hindi magagawang makilahok sa remote enrollment process nitong Hunyo.

Sa loob ng enrollment, tatanungin ang mga magulang sa pamamagitan ng isang survey kung ano ang gusto nilang paraan ng pagtuturo sa kanilang mga anak, kung ito ba ay sa pamamagitan ng module o kaya naman ay internet.

Facebook Comments