DepEd, nilinaw na hindi requirement sa mga estudyante na magkaroon ng gadgets para sa distance learning

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) sa mga magulang na ang printed modules o learning materials ay ibibigay sa kanilang mga anak kasabay ng pagbubukas ng klase sa Agosto.

Ito ang pagtitiyak ng kagawaran sa gitna ng pangamba ng mga magulang na mapipilitang bumili ng bagong gadgets para sa kanilang mga anak tulad ng laptops, tablets at smartphones para makalahok sa bagong paraan ng pagtuturo.

Ayon kay Education Undersecretary and Spokesperson Atty. Nepomuceno Malaluan, hindi kailangan ng mga magulang na bumili ng bagong gadgets dahil ipapadala nila sa kanilang mga bahay ang learning modules para sa kanilang mga anak.


Ang printed modules ay competency-specific materials sakop ang ilang key elements ng isang lesson, mula sa motivation, instruction, at assessment.

Ang printed modules ay para sa mga estudyante na walang access sa internet at digital devices.

Bukod sa learning materials, bahagi rin ng blended at distance learning modalities na iniaalok ng DepEd ay mga online learning platforms at TV at radio-based instruction.

Facebook Comments