DepEd, nilinaw na wala pang pinal na listahan ng mga eskwelahang lalahok sa dry-run ng face-to-face classes

Kasalukuyang nirerebisa ng Department of Education (DepEd) ang inisyal na listahan ng mga eskwelahang inirekomendang sumali sa pilot implementation o ang dry-run ng limited face-to-face classes.

Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antionio ang listahan ay sumasailalim sa assessment.

Nagpapatuloy pa rin aniya ang mga ginagawang paghahanda para sa pagpapatupad ng physical classes.


Ang face-to-face classes ay inaasahang magiging ‘calibrated’ at hindi puwersahan kung mayroong Local Government Units (LGUs) at mga magulang na tutol dito.

Matatandaang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones sa publiko na mayroong stringent measures na ilalatag para sa kaligtasan ng mga estudyante at mga guro sakaling payagan na ang in-person classes.

Facebook Comments