Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na walang mass testing para sa mga guro bago ang nakatakdang pagbubukas ng klase sa August 24.
Tiniyak ni Education Undersecretary Analyn Sevilla na nakalatag ang testing protocols sa mga nangangailangang isailalim sa COVID-19 test.
Ang papel aniya ng DepEd ay i-refer ang mga mangangailangan ng COVID-19 test base sa guidelines ng Department of Health (DOH) at para ma-trace ang kanilang contacts.
Una nang tiniyak ni Education Secretary Leonor Briones na ginagawa ng ahensya ang lahat ng kinakailangang pag-iingat para maprotektahan ang mga guro habang isinasagawa ang distance learning.
Facebook Comments