DepEd, nilinaw na walang prescribed na kulay ng alternate uniform para sa kanilang teaching and non-teaching personnel

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na walang prescribed na kulay para sa alternate uniform ng teaching at non-teaching personnel ng DepEd.

Sa harap ito na nararanasang matinding init ng panahon sa bansa.

Ayon sa DepEd, maaaring magsuot ng kahit anong kulay ng collared shirt na nagamit sa mga nagdaang school o DepEd activities.


Ang mga nakalagay anila sa poster na kanilang inilabas ay halimbawa lamang o para sa biswal na representasyon.

Ang mga nabanggit na opsyon ay dapat ipares sa matte black pants anuman ang tela tulad ng slacks, jeans at cargo pants.

Facebook Comments